^

Probinsiya

Ambush: 2 pulis patay

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Dalawang tauhan ng pulisya ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng may 50 armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay lulan ng PNP Hammer truck kahapon ng umaga sa Sitio Tinangra at Maslog Tubili, Paluan, Occidental Mindoro.

Ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ay nakilalang sina PO3 Edmund Rimando at PO2 Edgar Dangupon na pawang nakatalaga sa 408th Provincial Police Mobile Group.

Nakilala naman ang dalawang malubhang nasugatan na sina PO3 Leopoldo Anglo at PO2 Alejandro Mendiro Del Mundo na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Mamburao Provincial Hospital.

Batay sa ulat, naitala ang pananambang bandang alas 9:30 ng umaga sa boundary ng Sitio Maslog at Tinangra ng naturang lugar.

Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng operation ang 408th Provincial Police Mobile Group laban sa mga rebelde nang biglang ratratin ang mga biktima ng mga nagkukubling mga miyembro ng NPA rebels.

Gumanti naman ang nasabing grupo ng pulisya na tumagal ng tatlong oras na sagupaan.

Dahil sa mabilis na paghingi ng tulong sa pamamagitan ng 2-way radio ang grupo ng 408th Provincial Police Mobile Group ay dumating kaagad ang reinforcement unit mula sa Mamburao at Paluan Police Unit na naging dahilan upang umatras ang mga NPA rebels dala ang kanilang mga kasamahang sugatan.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang counter -strike operations ng mga operatiba ng pulisya laban sa mga rebelde. (Ulat nina Ed Amoroso at Joy Cantos)

ALEJANDRO MENDIRO DEL MUNDO

ED AMOROSO

EDGAR DANGUPON

EDMUND RIMANDO

JOY CANTOS

LEOPOLDO ANGLO

MAMBURAO PROVINCIAL HOSPITAL

MASLOG TUBILI

PROVINCIAL POLICE MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with