^

Probinsiya

Bus sinunog; driver, conductor tinodas

-
LANAO DEL NORTE — Isang driver ng pampasaherong bus at conductor nito ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng grupo ng armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang kulimbatin ang sasakyan ng mga biktima bago sunugin sa Brgy. Liangan, bayan ng Maigo ng naturang lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril na sina Camilo Rabuyo, driver at si Jaime Bago, conductor na kapwa trabahador ng Rural Transit bus.

Batay sa ulat mula kay Capt. Alexis Bravo, operations chief of the Phil. Army 402nd Infantry Brigade, ang naturang bus ay may lulang mga pasahero patungong Dipolog City mula sa Cagayan de Oro City nang harangin ng mga armadong kalalakihan sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinalaya muna ang mga pasaherong sakay ng bus bago dinala ang dalawang biktima sa hindi nabatid na lugar at doon binistay ng bala hanggang sa mapatay.

Bago tumakas ang mga armadong grupo patungong kagubatan ng Brgy. Mentering ay sinunog pa nito ang nasabing bus.

May teorya ang pulisya na tumangging magbayad ng buwis ang may-ari ng pampasaherong bus sa naturang grupo kaya gumanti na lamang ito. (Ulat ni Lino dela Cruz)

ALEXIS BRAVO

BRGY

CAMILO RABUYO

DIPOLOG CITY

INFANTRY BRIGADE

JAIME BAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with