Bahay ng mayor ni-raid ng NPA, mga sasakyan sinunog
June 12, 2001 | 12:00am
Tinatayang aabot sa 30 miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang sumalakay sa isang bahay ng mayor sa Paranas, Western Samar bago sinunog ang dalawang bagong sasakyan kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pagsalakay dakong alas-7:45 ng gabi sa bahay ni Mayor Elvira Babalcon na natatagpuan sa kahabaan ng national highway ng Poblacion ng naturang lalawigan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, pinaligiran bago pasukin ng mga rebeldeng NPA ang bahay ni Mayor Babalcon na nagtalaga pa ng ilan sa labas ng compound bilang look-out.
Dahil sa hindi matagpuan ang Mayor ay hinatak ng NPA ang dalawang mamahaling sasakyan mula sa garahe bago binuhusan ng gasolina at sinindihan hanggang sa masunog.
Ilan sa mga rebelde ay nakasuot pa ng uniporme ng sundalo na pawang may hawak na malalakas na kalibre ng baril at nagsisigawang "Mabuhay ang NPA, Mabuhay ang Hukbong Bayan."
Walang nagawa ang mga ilang bodyguard at kasambahay ng naturang alkade dahil sa dami ng mga rebeldeng sumalakay sa compound.
May teorya ang pulisya na ang pangyayari ay may kaugnayan sa pagtanggi ni Mayor Babalcon na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde.
Gayunpaman, inilagay na sa red alert ng kapulisan kasama ang tropa ng militar ang buong kabayanan bago nagtayo ng checkpoints sa posibleng daanan ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest