Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), nag-ugat ang oil spill matapos masira ang pangunahing tubo ng ROHM Electronic Philippines Inc. na nagbunsod upang mag-umpisang kumalat ang mapaminsalang langis sa karagatan ng Carmona, Cavite.
Napag-alaman na nagsimula ang oil spill dakong alas-11:30 ng umaga kamakalawa sa Peoples Technological Complex, Bgy. Maduya, Carmona, Cavite.
Naapektuhan nito ang Carmona at Biñan river sa lalawigan ng Cavite at Laguna.
Umaabot sa lima hanggang anim na kilometro na ang naapektuhan ng naganap na oil spill.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang pagkilos ng Oil Spill Responsed Team dala ang mga kagamitan upang panlinis sa oil spill sa mga apektadong lugar.
Patuloy naman ang isinasagawang pagmo-monitor ng tanggapan ng Office of Civil Defense Region Committee-IV sa sitwasyon kaugnay ng naganap na oil spill. (Ulat ni Joy Cantos)