2 drug pushers sa palengke timbog
June 6, 2001 | 12:00am
OLONGAPO CITY Nasakote ng pinagkaisang puwersa ng Drug Enforcement Group (DEG) at ng Olongapo City Police Office (OCPO) ang dalawang kilabot na drug pushers sa isinagawang buy-bust operation sa isang Nite Market sa Barangay Pag-Asa, Olongapo City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na tinanggap ni Olongapo City Police Office (OCPO) Director Supt. Danilo Torio Empedrad, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Mocama Mustafa, 45 at Jamal Basher, 21, kapwa residente ng No. 31 Arthur St., Barangay West Bajac-Bajac sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi ng masakote sa drug bust operation ang 2 suspek sa naturang Nite Market.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng high grade metamphetamine hydrochloride o shabu na tumitimbang ng 40-gramo, mga drug paraphernalias at P500 mark money.
Napag-alaman na matagal na umanong inirereklamo ng ilang mga residente sa loob ng Nite Market ang mga nabanggit na suspek dahil sa lantarang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga mismo sa naturang lugar. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest