^

Probinsiya

Seaman tinodas sa bar

-
KALIBO, Aklan – Isang seaman na pinaniniwalang bagong baba sa barko ang napagtripang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihang lango sa alak kamakalawa ng gabi sa Miggy’s bar and restaurant malapit sa Kalibo Airport.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Ramil Torres, 25 ng Brgy. Linabuan Sur, ng naturang lugar.

Habang ang mga suspek na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang sina Carlo Rembulat, Gary Cawaling at ang mag-utol na Don-don at Dexter Cabagnot na pawang residente ng Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan.

Nag-iisa umanong umiinom ng alak ang biktima sa naturang restaurant nang lapitan ng mga suspek na lango sa alak bago pagtulungang gulpihin.

Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya, hindi pa nasiyahan ang mga suspek sa panggugulpi sa biktima ay pinagsasaksak pa ito ng patalim sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen sa kasalukuyan. (Ulat ni Jun Aguirre)

vuukle comment

AKLAN

BRGY

CARLO REMBULAT

DEXTER CABAGNOT

GARY CAWALING

JUN AGUIRRE

KALIBO AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with