6 preso todas nakipagbarilan sa mga jailguard, todas
June 3, 2001 | 12:00am
MILAGROS, Masbate Anim na puganteng preso mula sa Masbate Provincial jail ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa mga tumutugis na jailguard kamakalawa ng hapon sa Sitio Baklay, Brgy. Bacolod ng bayang ito.
Ang mga nasawing preso na pawang may kasong murder ay nakilalang sina Edgar Victoria Jr., Anatacio Laurio, at ang apat na nakilala lamang sa mga apelyidong Basas, Sicap, Barruga at Quintog.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang upakan dakong alas 3:00 ng hapon habang nagsasagawa ng pagtugis ang mga miyembro ng guwardiya mula sa Masbate Provincial Jail sa mga pumugang 22 preso noong nakalipas na linggo.
Nabatid sa ulat, na namataan umano ng isa sa mga preso ang paparating na grupo ng jailguard sa naturang lugar kaya inunahan na ito ng sunud-sunod ng putok ng baril.
Napilitang gumanti ng putok ang mga tumutugis na guwardiya laban sa mga preso na tumagal ng may 30 minuto. Nang maglaho ang makapal na usok mula sa malalakas na kalibre ng baril sa magkabilang panig ay lumuntad ang nakabulagtang anim na preso.
Magugunitang apat din na puganteng preso na pinaniniwalaang pinatakas at ginamit ng ilang politiko sa eleksyon ang napatay ng mga kagawad ng pulisya matapos na makipagbarilan sa Brgy. Buenavista sa bayan ng San Fernando.
Ang mga presong nasawi ay kinilalang sina Romeo Bacolod,Gerry Agao, Rodolfo Capinig at Jun Dacomol habang ang mga nakatakas namang preso ay sina Fred at Eddie Castro, Lino Cabiles at Agog Magallanes na pawang may kasong murder at homicide.
Patuloy na nagsasagawa ang mga awtoridad nang pagtugis sa nalalabi pang puganteng preso na hinihinalang nagkukuta sa bulubundukin ng Masbate. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest