^

Probinsiya

PNP na anak ng ex-mayor binaril sa jeep

-
BULACAN, Bulacan — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya ng di-kilalang armadong lalaki habang ito ay nakasakay sa kanyang owner type jeep kahapon ng umaga sa Sitio Malusak, Brgy. Sta. Ana ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si PO2 Timoteo del Rosario, 50, may asawa at nakatalaga sa Service Company Division sa Camp Olivas, Pampanga.

Ang biktima ay anak ni dating Bulacan Mayor Evaristo del Rosario ay nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo na agad nitong ikinasawi .

Sa paunang ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas 9:00 ng umaga sa naturang lugar.

Habang minamaneho ng biktima ang kanyang owner type jeep na may plakang CVL-702 at binabagtas ang kahabaan ng nasabing highway ay bigla itong pinara ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki.

Ayon pa sa ulat, paghinto umano ng biktima sa harapan ng suspek ay pinaputukan na ito ng apat na beses sa ulo bago mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo sa hindi nabatid na direksyon.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang motibo nang pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

AYON

BRGY

BULACAN

BULACAN MAYOR EVARISTO

CAMP OLIVAS

EFREN ALCANTARA

HABANG

INAALAM

SERVICE COMPANY DIVISION

SITIO MALUSAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with