^

Probinsiya

Anak umawat sa away ng magulang, napatay

-
VIRAC, Catanduanes – Dahil sa kagustuhan na awatin ang nag-aaway na magulang, isang anak na lalaki ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ng kanyang sariling ama kamakalawa ng gabi sa Brgy. Palinab, Del Monte ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Benny Abondo, 26, binata, laborer ng naturang barangay.

Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Virac Municipal Jail ay nakilalang si Castor Abondo, 54, laborer ng nasabi ring lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong 7:40 ng gabi sa loob mismo ng sariling bahay ng pamilya Abondo.

Nabatid na lango sa alak ang ama ng biktima nang umuwi ng kanilang bahay na ikinagalit naman ng ina nito.

Habang paparating naman ang biktima ay inabutan nitong nag-aaway ang kanyang magulang kaya tinangka nitong awatin upang makapagpahinga na.

Subalit sa halip na tumahimik ang suspek ito ay nagtungo sa kusina at nang bumalik ay may dala na itong patalim sabay inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Ayon sa ina ng biktima, dahil sa pagkabigla ng suspek sa ginawang krimen ay walang imik na umupo na lamang ito at umiiyak na pinagsisisihan ang ginawa sa sariling anak. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ABONDO

AYON

BENNY ABONDO

BRGY

CASTOR ABONDO

CATANDUANES

DAHIL

DEL MONTE

ED CASULLA

VIRAC MUNICIPAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with