Special elections ngayon sa Masbate at Albay
May 30, 2001 | 12:00am
LEGASPI City -- Ngayong araw na ito isasagawa ng Commission on Election ang special election sa mga bayan ng San Fernando, Claveria, Pio V. Corpuz ng lalawigan ng Masbate at Pio Duran sa Albay.
Ayon kay Comelec Regional Director Zacarias Zaragoza Jr., base sa ipinalabas na resolusyon ng Comelec central office sa araw na ito isasagawa ang special election matapos na magkaroon ng failure of election noong nakaraang Mayo 14.
Sa bayan ng San Fernando ay may pitong barangay na magkakaroon ng election ito ang mga barangay ng Buenavista, Talisay, Altavista, Del Rosario, Silangan, Magka-ipit at Cañelas; sa Claveria at Barangay Calpi; sa Pio V. Corpuz at Barangay Casabangan, samantala sa Albay ay ang Barangay Lawinon ng Pio Duran.
Walang naganap na halalan sa mga naturang barangay matapos magkaroon ng takutan, agawan ng balota at panununog ng mga ballot boxes noong araw ng election.
Sa isasagawang special election ay may mga miyembro pa ng mga sangguniang bayan at kinatawan sa lalawigan ang hindi pa naipoproklama dahil naghihintay pa ng resulta sa isasagawang election.
Nagpalabas na ng karagdagang puwersa ang Masbate Provincial Command sa pamumuno ni P/Supt. Victor Deona ang Provincial Director ng Phil. National Police sa mga naturang lugar upang magbantay at pangalagaan ang katahimikan sa isasagawang special election sa naturang lugar. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest