Sa ipinadalang ulat ni Supt. Raul Castañeda, DILG-SOG Jericho chief kay Interior and Local Government Secretary Joey Lina, nakumpiska ng kanyang mga tauhan ang may P687,250 bet collections sa isinagawa nitong 142 raids sa ibat ibang jueteng dens sa Bulacan, Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, Zambales, Pangasinan, Laguna, Batangas, Quezon province at Metro Manila.
Kinasuhan naman ang mga naarestong gambling personnel habang nasa pag-iingat naman ng hukuman ang nakumpiska nilang 11 baril at 101 na sasakyan mula sa anti-gambling operations.
Bukod dito, may 117 video-karera machines din ang nakumpiska ng SOG Jericho sa pinag-ibayong anti-gambling drive ng pamahalaan.
Pitong katao na may kasong homicide at murder ang naaresto rin.
Sinabi ni Supt. Castañeda na tuluyang masusugpo ang illegal gambling kung makikiisa lamang ang mga local police at mamamayan sa kampanyang ito ng pamahalaan. (Ulat ni Rudy Andal)