^

Probinsiya

7 illegal aliens natimbog

-
Pitong Indian national na pinaniniwalaang nakapasok sa bansa ng walang anumang papeles at kilala sa modus operanding "5-6" ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Immigration Special Group at Naval Intelligence and Security Unit kahapon sa magkakahiwalay na operation sa Batangas at Laguna.

Sinabi ni Immigration Commissioner Andrea Domingo, ang pagkakadakip sa mga illegal Indians ay sanhi ng isang linggung pagmamatyag sa kanilang ikinikilos.

"Walang maipakitang anumang pasaporte o papeles ang mga nasakoteng Indian national nang isagawa ang pagdakip sa naturang lalawigan", dagdag pa ni Domingo.

Tinatayang aabot na sa 50 bilang ng illegal aliens sa bansa ang naaresto magmula ng ilunsad nitong buwan ng Mayo ang panibagong kampanya laban sa mga ito.

Sinabi pa ni Domingo, libu-libong undocumented aliens ang nakapasok na sa bansa nitong nakalipas na taon mula sa southern backdoor. (Ulat ni Rey Arquiza)

vuukle comment

BATANGAS

DOMINGO

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

IMMIGRATION SPECIAL GROUP

NAVAL INTELLIGENCE AND SECURITY UNIT

PITONG INDIAN

REY ARQUIZA

SINABI

TINATAYANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with