PAF pasok sa plane crashed
May 27, 2001 | 12:00am
Pinakilos na kahapon ni Philippine Air Force (PAF) Chief Lt. Gen. Benjamin Defensor ang kanyang mga tauhan upang magsagawa ng imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng isang Cessna Plane sa industrial park sa Basak Lapu-Lapu City na malubhang ikinasugat ng apat katao kamakalawa.
Kasabay nito, nagpadala na rin si Police Regional Office (PRO) 7 Director Chief Supt. Avelino Razon ng investigating team upang tumulong sa imbestigasyon ng General Aviation Mechanics ng Air Transportation Office (ATO) para madetermina ang pagbulusok ng isang Cessna plane na may body no. RPC-1936-C.
Kabilang sa mga malubhang nasugatang biktima ay sina Capt. Anthony Nagilla, piloto; at mga pasaherong sina Paul Abadilla, Rey Galo at Warren Goitiz.
Sa pangunang imbestigasyon, nagkaroon umano ng engine trouble ang eroplano, dalawang minuto matapos itong umalis mula sa General Aviation Terminal sa Mactan-Cebu International Airport at patungong Talibon, Bohol. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am