^

Probinsiya

Jailguard nagpaliwanag sa 2 presong namatay

-
TAYTAY, Rizal – Matitinding sakit na pinalubha ng mala-sardinas na kalagayan sa kulungan ang naging dahilan ng kamatayan ng dalawang preso ng Taytay Municipal Jail matapos na matagpuan ang mga ito na naghihingalo sa kanilang palikuran at tuluyang mamatay.

Sinabi nina JO3 Francisco Agrabante at JO2 Eric Nebril, mga nakatalagang jailguard nang matagpuan ang bangkay nina Monato Caramel, 19, ng Sitio San Lorenzo Ruiz, Taytay; at Pedro Alcente, 43, ng Lupang Arienda, Floodway, Taytay, Rizal, na pawang may malubhang sakit bago binawian ng buhay.

Itinanggi ng dalawang jailguard na may foul play na naganap sa kamatayan ng mga biktima dahil sa natural na kamatayan umano ang inabot ng mga ito.

Itinanggi rin ng mga ito na magkasunod na namatay ang dalawa dahil sa higit umano sa isang linggo ang pagitan ng magkahiwalay na insidente.

Nakadagdag pa sa sakit ng dalawang biktima ang siksikan, madumi at mabahong kalagayan ng Taytay Municipal Jail. Ayon sa mga jailguards, meron lamang na 50 presong kapasidad ang kulungan, ngunit nagsisiksikan dito ang may 89 preso.

Noong nakaraang taon, sunod-sunod ang pagkamatay rin ng mga inmates sa naturang kulungan dahil sa pagkalat ng epidemyang tuberkulosis at pigsa. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

ERIC NEBRIL

FRANCISCO AGRABANTE

ITINANGGI

LUPANG ARIENDA

MONATO CARAMEL

PEDRO ALCENTE

RIZAL

TAYTAY MUNICIPAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with