P3M puslit na asukal, nasabat
May 19, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tinatayang aabot sa 2, 500 sako ng asukal mula sa Malaysia na nagkakahalaga ng P3 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy makaraang tangkaing ipuslit papasok ng bansa noong Biyernes ang hapon sakay ng isang motor boat sa karagatan ng Sulu.
Ayon sa ulat mula sa Naval Forces South (NAVFORSOUTH), dakong alas 3:05 ng hapon ng mamataan ng mga tauhan ng Phil. Navy ang isang bangkang-de-motor na may tatak na M/L Katrina II na nakatigil sa naturang karagatan dahil sa nasiraan ito.
Nilapitan umano ng patrol gunboat 393 ang nabanggit na motor boat na may pitong pahinante at nadiskubreng may lulan na mga sako ng asukal mula sa nasabing bansa.
May teorya ang mga tauhan ng Phil. Navy na naghihintay lamang ng kasabwat na mangingisdang may bangka ang kinalululanan ng puslit na asukal upang ihatid sa kalapit na isla upang pansamantalang doon itago bago ipagbili.
Sa kasalukayan ang nasabing motor boat ay hinila sa Majini Pier sa naturang lalawigan upang imbestigahan ng Bureau of Custom. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
Recommended