Landslide victory sa asawa ng pinatay na Quezon solon
May 17, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Sigurado na ang pagkapanalo sa Congressional seat ng 2nd district ng lalawigan ng Quezon na si Lynette Punzalan, ang asawa ng pinaslang na kongresista.
Batay sa isinagawang canvassing sa anim na bayan ng 2nd district, si Punzalan ay nakakuha ng landslide vote at malayo ang lamang sa kanyang mga katunggali na sina dating Lucena Mayor Bernard Tagarao at dating PCA Administrator Atty. Ed Escueta.
Tinataya ng mga political analyst na ang pagbuhos ng boto kay Punzalan ay dahilan sa epekto ng pagkakapaslang sa kanyang asawa noong gabi ng Mayo 13, 2001.
Si Punzalan ay pumapangatlo lamang sa survey bago nangyari ang pagmamaslang kay Congressman Marcial Punzalan Jr. at ng sumapit na ang araw ng eleksyon ay nakuha ng babaeng Punzalan ang simpatiya ng mga botante. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest