^

Probinsiya

2 estudyante patay sa frat war, 2 malubha

-
GEN. MARIANO ALVAREZ, Cavite – Dalawang kabataang lalaki ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang magsagupa ang dalawang grupo ng fraternity kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Jessie Tapac, 20 at Rey Japon, 17 kapwa binata at residente ng nasabing brgy.

Ang mga malubhang nasugatan ay nakilalang sina Romeo Onate, 16 at Edgar Santos, 25, kapwa binata ng Brgy. Babuyan, Calamba, Laguna.

Dalawa sa mga suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang sina James Mendoza, 19 at Bryan Balmores, 15 ng naturang brgy.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang sagupaan ng dalawang fraternity group dakong alas-10 ng gabi sa plaza ng naturang lugar habang ang mga ito ay nagkasalubong.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, na armado ng baril ang suspek nang maganap ang sagupaan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AYON

BABUYAN

BRGY

BRYAN BALMORES

CRISTINA GO-TIMBANG

EDGAR SANTOS

JAMES MENDOZA

JESSIE TAPAC

REY JAPON

ROMEO ONATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with