Samantala, isang kapatid naman ni Agusan del Norte Rep. Roan Libarios ang nasakote ng mga kagawad ng pulisya sa kahabaan ng highway ng Brgy. Panaytayon, RTR, Agusan del Norte na may dalang halagang P70,000 na nakalagay sa bawat envelope ay P150.00 at pinaniniwalaan namang gagamitin sa pamimili ng boto.
Kinilala ng pulisya ang nasakoteng suspek na si Antonio Libarios, 35, may asawa na pinara ng pulisya dakong alas 9:10 ng gabi ng May 13.
Kasunod nito, sa Sibagat, Agusan del Sur, isa pang LDP vice-mayoralty bet na si incumbent councilor Maldovico Benegian, 36 ay nakaligtas sa pananambang ng may 30 armadong hindi kilalang kalalakihan na naganap sa national highway ng Brgy. El Rio dakong alas 11:10 kamakalawa ng gabi.
Binaril at napatay naman ang isang suporter ng LDP na si Artemio Laxa, 41 ng Brgy. Riverside sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi.
Dakong alas-3 ng hapon nang isara ang botohan at umaabot sa 72.77 % botante ang nakaboto sa buong rehiyon, ayon sa ulat ng Caraga Comelec Regional Office. (Ulat ni Ben Serrano)