Lady mayoralty bet nagpaliwanag sa pagpatay kay Platon
May 13, 2001 | 12:00am
May bahid umano ng pulitika at paninira lamang ang pagdadawit sa isang lady mayoralty bet sa lumulutang na anggulong love triangle ang pagpatay kay gubernatorial bet Cesar Platon matapos ang isinagawang meeting de avance sa bayan ng Tuy, Batangas, noong Mayo 7.
Si Tuy, reelectionist Mayor Racquel "Mana" Rodriguez ay personal na nagtungo sa Camp Aguinaldo upang linisin ang kanyang pangalan sa umanoy pinakakalat na balita ng kampo ng mahigpit niyang katunggali sa posisyon na umanoy may lihim silang relasyon ng pinaslang na si Platon.
"Isa pong malaking kasinungalingan yan para siraan ako sa aking mga supporters. Hindi ko po maaaring sirain ang aking reputasyon, pinoprotektahan ko ang aking pangalan at ang aking pamilya," paglilinaw ni Rodriguez.
Isiniwalat ni Rodriguez base sa report ng kanyang mga campaigners na mismong ang mga nangangasiwa sa campaign headquartes ng kanyang katunggaling si Tuy mayoralty candidate Edgardo Calingasan ang namumudmod sa mga botante ng negatibong isyu na ipinalabas sa ilang pahayagan.
Ipinalalagay ni Rodriguez na ang anggulong love triangle na pilit pinalulutang ng kanyang mga katunggali ay bahagi umano ng maruming laro sa pulitika upang ilaglag ang kanyang kandidatura. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest