6 miyembro ng robbery gang timbog
May 12, 2001 | 12:00am
Nalambat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang anim na miyembro ng kilabot na highway robbery gang sa isinagawang raid sa hide-out ng sindikato sa Sitio Sapinit, Bgy. Fianza, San Nicolas, Pangasinan, kamakalawa.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Warlito Rodrigo, Armando Baloyo, Teofilo Soriano, Eddie Layco, Jerry Manangal at Virgilio Trinidad.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong 11:30 ng umaga nang salakyin ng magkkasanib n elemento ng 71st Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army at ng San Nicolas Municipal Police Station (MPS) ang safehouse ng mga suspek sa nasabing lugar.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na sa Sitio Sapinit naglulungga ang mga suspek kayat agad ang mga itong nagsagawa ng masusing surveillance operation.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang 9mm mini Uzi machine pistol na may dalawang magazine at 50 rounds ng bala; 2 M-653 rifles na may limang magazine at 140 rounds ng bala, 9mm parabelum pistol, .357 caliber Cobra colt pistol at .45 caliber Armscor pistol at 11 rounds ng bala. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 23 hours ago
By Doris Franche-Borja | 23 hours ago
By Jorge Hallare | 23 hours ago
Recommended