Sa isang press conference na isinagawa kahapon ay iprinisinta ni Talaga ang isang resolusyon ng Comelec en banc na idinedeklara na siya ay kuwalipikadong tumakbo sa pagka-mayor ngayong darating na halalan.
Ang resolution ay nilagdaan ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo at ng tatlong commissioners. Pinagbatayan ng mga ito ang paliwanag ng panig ni Talaga na ito ay hindi nahalal ng tatlong sunud-sunod na termino.
Nauna nang nagsampa ng petition for disqualification laban kay Talaga si City Vice-Mayor at ngayo’y mayoralty bet Raymundo Adormeo subalit ito ay ibinasura ng Provincial Comelec.
Nagdesisyon naman ang 1st division na idiskuwalipika si Talaga hanggang sa itinaas ang usapin sa Comelec en banc na dito nga ay nagdesisyon na si Talaga ay kuwalipikadong tumakbo sa halalan. (Ulat ni Tony Sandoval)