Ilan ding mga pampasabog na dinamita at mga kagamitang traktora at iba pa ang nakumpiska ng naturang mga operatiba mula sa mga suspek na pinamumunuan ng mga quarrying operators na sina Dante Marcial, Adorado Francisco, Nilo Santos at Antonio dela Cruz.
Nabatid na ang Rosemoor Mining and Development Corp. (RMDC) lamang ang binigyan ng permit na mag-quarry sa Biak-na-Bato Mineral reservation sa Bgy. Kalawakan Don Remedios Trinidad.
Pinaaalalahanan din ni Alvarez ang RMDC na tupdin ang alituntunin ng DENR Administrative Order 9-57 na nagsasaad ng responsibilidad nilang bantayan ang kanilang mga lugar laban sa pagpasok ng mga illegal quarrying operations. (Ulat ni Angie dela Cruz)