4 CAFGU kritikal sa sagupaan
May 3, 2001 | 12:00am
Apat na miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) ang malubhang nasugatan makaraang magpang-abot ang tropa ng pamahalaan at ang grupo ng mga rebeldeng komunista sa panibagong sagupaan sa liblib na lugar ng Lupon, Davao Oriental, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang mga malubhang nasugatan na sina CAAs Danilo Ompod, Noel Ulgasan, Dionisio Hitutua at Patrocenio Lumbao.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong 1:15 ng hapon ng makasagupa ng mga elemento ng 405th Special Task Force Company ng Phil. Army kasama ang mga CAFGU sa pamumuno ni Pfc. Edgar Caban ang grupo ng mga rebeldeng komunista.
Napag-alaman na kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng pamahalaan sa bisinidad ng Sitio Tinukaan, Brgy. Don Mariano Marcos, Lupon, Davao Oriental nang makaengkuwentro ang tinatayang 29 rebelde.
Agad na nagkaroon ng mainitang pagpapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng mahigit dalawang oras na ikinasugat ng apat sa tropa ng pamahalaan.
Pinaniniwalaang may mga nasugatan sa panig ng mga rebelde na mabilis nagsiatras. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest