Mayor ligtas sa ambush, 4 campaigners nasawi
May 3, 2001 | 12:00am
Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang mayoralty bet habang apat naman nitong supporters ang nasawi makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang nangangampanya sa panibagong insidente ng karahasang dulot ng matinding labanan sa pulitika sa T’boli, South Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawing sibilyan na sina Narlito Salawa, Abraham Malones, Florante Tangko at isang alyas Jojo.
Nakilala naman ang nakaligtas sa ambush na si re-electionist mayoralty candidate Badong Ramos ng bayan ng T’boli na walang humpay na takbo ang ginawa upang makatakas sa mga armadong rebelde.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, bandang alas-7:30 ng umaga habang nangangampanya si Ramos kasama ang kaniyang mga supporters ng maganap ang insidente.
Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng may 30 rebeldeng MILF ang mga biktima habang naglilibot sa mga kabahayan sa Sitio Sabang Bato, Basag, T’boli ng nasabing lalawigan.
Sinabi pa sa ulat na tinatayang marami rin ang nasugatan sa insidente bagaman kasalukuyan pang inaalam ang kanilang mga pangalan.
Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng tauhan ng 7th Special Forces Battalion ng Phil. Army ang mga rebelde na mabilis na nakalayo at namataang gumawi sa direksiyon ng kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended