^

Probinsiya

Mga armas ng suporter ng congressional bet nasabat

-
TUGUEGARAO, Cagayan – Nasamsam ng mga tauhan ng pulisya dito ang matataas na kalibre ng armas sa isang residente na pinaghihinalaang campaign supporter ng isang congressional candidate noong nakalipas na Sabado.

Kinilala ni Chief Superintendent Dominador Resos ang suspect na si Ric Cabacungan, gayunman hindi nito pinangalanan ang sinasabing congressional bet na sinusuportahan nito hanggang hindi nadarakip ang nabanggit na suspect.

Binanggit pa ng pulisya na nagawang makapuslit ni Cabacungan sa mga awtoridad na armado ng search warrant na inisyu ng korte.

Nasamsam sa isinagawang raid ay ang dalawang M16 baby armalite rifles, isang carbine rifle, anim na piraso ng magazine para sa M16, isang magazine para sa carbine, 174 piraso ng mga bala para sa M16 at 20 piraso ng mga bala para sa carbine. (Ulat ni Charlie Lagasca)

vuukle comment

BINANGGIT

CABACUNGAN

CHARLIE LAGASCA

CHIEF SUPERINTENDENT DOMINADOR RESOS

ISANG

KINILALA

NASAMSAM

RIC CABACUNGAN

SABADO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with