Suporta ng WB sa SBMA, nananatiling matatag
April 29, 2001 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Nananatiling buo at matibay ang suporta at tiwala ng World Bank sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kaugnay ng ipinatutupad na Subic II master plan.
Ito ang paniniyak na ginawa ni WB Portfolio ma-nager Aloysius Ordu, makaraang pangunahan ang WB mission team na nagsagawa ng occular inspectioon sa mga proyekto ng SBMA kaugnay ng $100 milyon economic development loan assistance mula sa naturang bangko.
Sinabi ni Ordu na labis itong nasiyahan sa nakitang progreso ng mga proyekto na karamihan ay inaasahang matatapos nang mas maaga kaysa sa itinakdang panahon.
Ipinagmalaki naman ni SBMA chairman Felicito Payumo na ang naturang plano ay kauna-unahang pagtatangka ng Freeport na gampanan ang pangunahing papel sa pagpapaunlad ng rehiyon.
Ang mga proyekto ay kinapapalooban ng rehabilitasyon at pagpapagawa ng mga bagong tulay at lansangan patungo sa Port of Subic at Subic Bay International Airport, gayundin ang pagsasaayos ng water system at elektrisidad, bilang paghahanda sa port modernization project at pagbubukas ng Subic-Clark- Tarlac Road. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest