2 biktima ng salvage, natagpuan
April 28, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, CALAMBA – Dalawang lalaki ang natagpuang patay na kapwa may tama ng bala sa ulo at pinaniniwalaang biktima ng salvage sa Barangay Dayag, Ibaan, Batangas, kamakalawa.
Nahihirapan ang mga awtoridad na makilala ang mga biktima dahil walang nakuhang anumang mapagkikilanlan sa mga ito.
Nabatid sa ulat na ang dalawang bangkay ay may palatandaan na pinahirapan muna bago tuluyang pinaslang ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Ang mga biktima ay kapwa nakatali ang mga paa at kamay at may tama ng bala ng baril sa kanilang ulo. Ang mga ito ay inilagay sa isang malaking plastic bag at saka itinapon sa napagtagpuang lugar.
Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-9:30 ng umaga kamakalawa nang matagpuan ang labi ng mga biktima na nakalutang sa isang creek sa Barangay Dayag ng nabanggit na lugar.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest