Ayon kay Supt. Leopoldo Bataoil, provincial director na ang sinibak sa puwesto ang 14 police elements sa bayang ito na pinamumunuan ni Chief Inspector Benjamin Ocumen.
Ang aksyon ay ginawa ng pamunuan ng pulisya sa layuning burahin ang pangambang may kinikilingang mga kandidato ang mga awtoridad.
Binanggit ni Bataoil na ang relief order ay inaprubahan noong nakalipas na Martes ni police regional director Senior Superintendent Arturo Lomibao at ni Commission on Elections acting regional director Atty. Elvira Manuel.
Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na ang buong local police force ay sinibak sa posisyon sa pangambang sumiklab ang madugong labanan ng pulitika lalo ngat hindi maaagapan.
Magugunitang sa simula pa lamang ng campaign period, sina mayoral bets Andrea Supnet ng Nationalist Peoples Coalition at Janet Zaragosa ng Lakas-NUCD party ang nag-aakusahan araw-araw ng harassment. (Ulat nina Eva de Leon at Cesar Ramirez)