^

Probinsiya

Bangayan ng politiko di masawata; PNP force sinibak

-
NATIVIDAD, Pangasinan – Sinibak kahapon ng police provincial director ang buong puwersa ng pulisya sa bayang ito dahil sa kabiguang mapahinto ang mga mayoralty bet sa mga bantang madugong labanan kaugnay sa araw-araw na ulat ng harassments sa magkabilang panig.

Ayon kay Supt. Leopoldo Bataoil, provincial director na ang sinibak sa puwesto ang 14 police elements sa bayang ito na pinamumunuan ni Chief Inspector Benjamin Ocumen.

Ang aksyon ay ginawa ng pamunuan ng pulisya sa layuning burahin ang pangambang may kinikilingang mga kandidato ang mga awtoridad.

Binanggit ni Bataoil na ang relief order ay inaprubahan noong nakalipas na Martes ni police regional director Senior Superintendent Arturo Lomibao at ni Commission on Elections acting regional director Atty. Elvira Manuel.

Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na ang buong local police force ay sinibak sa posisyon sa pangambang sumiklab ang madugong labanan ng pulitika lalo nga’t hindi maaagapan.

Magugunitang sa simula pa lamang ng campaign period, sina mayoral bets Andrea Supnet ng Nationalist People’s Coalition at Janet Zaragosa ng Lakas-NUCD party ang nag-aakusahan araw-araw ng harassment. (Ulat nina Eva de Leon at Cesar Ramirez)

vuukle comment

ANDREA SUPNET

AYON

BATAOIL

CESAR RAMIREZ

CHIEF INSPECTOR BENJAMIN OCUMEN

ELVIRA MANUEL

JANET ZARAGOSA

LEOPOLDO BATAOIL

NATIONALIST PEOPLE

SENIOR SUPERINTENDENT ARTURO LOMIBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with