^

Probinsiya

Maanomalyang pamamahagi ng lupa, bubusisiin

-
Isang special team ang binuo kahapon ni Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza upang mapigilan ang napapaulat na maanomalyang pamamahagi ng lupa sa mga farmer beneficiaries sa Negros Occidental sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ( CARP).

Itinalaga ni Braganza si Percival Dalugdog, executive director for field operations and support services ng DAR upang pamunuan ang 6-man team na magsasaayos sa mga gusot at alitan sa pagitan ng manggagawa at mga dating landowners, mga qualified beneficiaries ng mga lupaing patuloy na pinag-aawayan sa nabanggit na lalawigan partikular sa Agueda, Espinos, Fanny at M.J Lacson landholdings.

Binigyan ni Braganza ang naturang grupo ng isang buwan upang maayos ang sistema ng pamamahagi ng lupain sa nabanggit na lugar.

Higit na binigyang prioridad ng DAR ang usapin sa pamamahagi ng lupa sa Negros Occidental dahil sa ito ang may pinakamataas na bilang ng mga lupaing palagiang may problema. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AGRARIAN REFORM SECRETARY HERNANI BRAGANZA

AGUEDA

ANGIE

BINIGYAN

BRAGANZA

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

CRUZ

J LACSON

NEGROS OCCIDENTAL

PERCIVAL DALUGDOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with