^

Probinsiya

Saksi sa pinaslang na mayor, humingi ng seguridad

-
Hiningi ng isang bagong testigo sa kaso ng pagpaslang kay dating Cabanatuan City mayor Honorato Perez ang garantiya ng mga awtoridad sa kanyang kaligtasan, kapalit ng kanyang pagpayag na lumantad at isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman.

Ang kondisyong ito ng testigo, kapalit ng ibibigay niyang mahalagang impormasyon ay ibinunyag kahapon ni Congressman Rico M. Fajardo (3rd district) sa isang interview sa kanya ng media men sa Palayan City.

Sinabi ni Fajardo, opisyal na kandidato ng Lakas-NUCD sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija, nagparating sa kanya ng salita na paniniyak ang testigo na lalantad ito mula sa matagal na nitong pagtatago sa oras na masiguro ng government authorities ang kanyang kaligtasan. Gayunman, di tinukoy ng three-termer congressman ang pagkakakilanlan ng saksi sa ambush-slay ni Perez.

Ayon kay Fajardo, kapag napakahalaga sa nasabing kaso ang impormasyong ipagkakaloob sa mga awtoridad ng bagong testigo, kahit isang saglit ay hindi siya titigil upang ipursige ang pagbubukas na muli sa kaso ng pagpatay kay Mayor Perez.

Magugunitang si Perez ang inilaban ng Lakas-NUCD sa gubernatorial race kontra kay Governor Thomas Joson noong 1995 local election pero ilang linggo bago ang mismong araw ng botohan, ang dating alkalde ay inambus sa Talavera, Nueva Ecija at namatay noon din dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CABANATUAN CITY

CONGRESSMAN RICO M

FAJARDO

GOVERNOR THOMAS JOSON

HONORATO PEREZ

JOY CANTOS

LAKAS

MAYOR PEREZ

NUEVA ECIJA

PALAYAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with