^

Probinsiya

Isa pang mayoralty bet tinodas sa pangangampanya

-
Lapaz, Agusan Del Sur – Isa pang kandidato sa pagka-mayor sa bayang ito ang binaril at napatay kamakalawa ng umaga habang nangangampanya sa Bgy. Camote para sa nalalapit na halalan sa Mayo 14.

Ang biktimang si Oscar Torralba,56 anyos ay ikalawang kandidato sa nasabing posisyon ang napatay sa loob lamang ng apat na araw sa lalawigang ito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na nangangampanya ang biktima dakong alas-9:30 ng umaga ng isa sa mga kinakamayan nito na nakilalang si Kumander Lyndon na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang biglang nagbunot ng baril at binaril ng tatlong beses ng malapitan sa ulo at katawan ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi mabatiid na direksyon.

Ayon naman sa kapatid ng napaslang na si Incumbent Mayor Rufino Torralba na ang maaaring pumaslang sa kanyang kapatid ay ang kalaban nito sa pulitika na nagbayad lamang sa mga rebeldeng NPA.

Sinabi rin ng pulisya na si Torralba ay pang-labimpitong kandidato na napatay sa pagsisimula ng kampanya ng halalan noong nakalipas na buwan. (Ulat ni Ben Serrano)

AGUSAN DEL SUR

AYON

BEN SERRANO

BGY

INCUMBENT MAYOR RUFINO TORRALBA

ISA

KUMANDER LYNDON

LAPAZ

NEW PEOPLE

OSCAR TORRALBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with