^

Probinsiya

"Freak accident ang nangyari" - Jaranilla

-
DAGUPAN CITY – "Isang freak accident ang nangyari".

Ito ang ipinahayag ni Delfin "Badette" Jaranilla, marketing manager ng family-owned Lisland Rainforest Resort sa Urdaneta City hinggil sa aksidenteng naganap dito, kung saan ay nakuryente at namatay si Antonio Rosales, kandidatong konsehal sa Urdaneta sa ilalim ng Lakas- NUCD noong nakalipas na Huwebes Santo habang sinasagip ang dalawang batang kaanak nito na sinasabing nakukuryente at nalulunod sa kiddie pool ng naturang resort.

Sinabi pa ni Jaranilla na walang nakabukas na ilaw sa gilid ng swimming pool ng mga oras na iyon dahil sa binubuksan lamang nila ang ilaw sa pool pagsapit ng alas- 6 ng gabi.

Aniya, selyado ang mga ilaw at imposible na magkaroon ng kuryente sa naturang swimming pool.

Ayon sa kanya, na labis silang nalungkot sa pangyayari lalo pa nga’t si Rosales ay matalik nilang kaibigan.

Binanggit pa nito na sasagutin nila ang pagpapalibing kay Rosales at pati na rin ang pagpapagamot sa dalawang pamangkin nito na sina Rey Ann Reyes, 6 at Jaezer Ferrer,5. Isinugod ang tatlo sa pagamutan, gayunman minalas na bawian nang buhay si Rosales.

Sinabi pa ni Jaranilla na nagpatawag na sila ng eksperto hinggil dito, upang mahingan ng opinyon at ipapatawag din nila ang kontraktor ng naturang resort. (Ulat ni Cesar Ramirez)

ANIYA

ANTONIO ROSALES

CESAR RAMIREZ

HUWEBES SANTO

JAEZER FERRER

JARANILLA

LISLAND RAINFOREST RESORT

REY ANN REYES

SINABI

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with