Totoy napisak sa kanyon
April 19, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Isang hindi pa nakikilalang totoy na tinatayang nasa 10 hanggang 13 taong gulang ang iniulat na nasawi matapos na ito ay mabagsakan ng isang kanyon na naka-display sa compound ng Lucena Grand Central Terminal na sakop ng Barangay Ibabang Dupay sa lunsod na ito, kamakalawa ng hapon.
Halos madurog at lumabas ang utak ng batang biktima na sinasabing nasawi habang isinusugod sa pagamutan.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Rey Belarmino, may hawak ng kaso na dakong ala-1 ng hapon huling nakitang buhay ang bata na naglalaro sa hardin ng terminal na doon naka-display ang isang 81MM mortar.
Nauna na rin umano itong sawayin ng mga guwardiya na naka-duty doon na huwag paglaruan ang naka-display na kanyon, gayunman dahil sa kakulitan ay hindi ito nakinig sa saway.
Ilang minuto pa ay nakita ang bata na umakyat sa mismong kanyon at isang iglap pa ay bigla itong tumumba at bumagsak kasama ang batang biktima.
Pagbagsak ng kanyon ay tumama ang bakal nito sa katawan at ulo ng paslit. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest