9-anyos ni-rape/slay ng tiyuhin

CALUMPIT, Bulacan – Isang 9-anyos na paslit ang iniulat na ginahasa at saka pinaslang ng sarili niyang tiyuhin ang natagpuang nakalutang sa ilog sa may Sitio Sentral, Barangay Balungao sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinalabas ni Chief Inspector Noli Pacheco, hepe ng pulisya sa nabanggit na bayan, nakilala ang suspect na si Alfredo Villamayor, helper sa vulcanizing shop at sinasabing kilala sa pagiging drug addict sa nasabing lugar.

Samantalang ang biktima ay nakilala namang si Irene Navarro, grade 3 pupil at naninirahan din sa naturang lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas- 3 ng madaling araw nang mawala ang biktima sa kanyang higaan, habang mahimbing na natutulog ang ilan nitong mga kasambahay.

Nabatid sa ilang mga saksi na nakita nila ang suspect ng mga oras na iyon na karga ang batang biktima. Kinabukasan ay natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing ilog at wala nang buhay. Wala rin itong saplot sa katawan.

May hinala naman ang pulisya na maaaring sabog sa droga ang suspect nang halayin at paslangin nito ang sarili niyang pamangkin.

Bukod sa saksak na tinamo ng biktima, may palatandaan din na ito ay sinakal ng suspect.

Matapos patayin ay itinapon ang bata sa ilog at pagkatapos ay tinakpan pa ng water lily ang bangkay nito. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments