Ayon kay National Security Adviser Roilo Golez, ang resulta ng beripikasyong ito ng pamahalaan ang siyang pagbabasehan ng aksiyong gagawin ng gobyerno ukol sa isyu.
Ayon kay Golez, tumatanggap ang kanyang opisina ng mga ulat mula sa ibat ibang isla ng Kalayaan Islands, Scarborough Shoul at gayundin sa Mischief Reef.
Kung hindi aniya, tuloy-tuloy ang mga ulat hinggil sa iniulat na aktibidad kailangan pa ang puspusang beripikasyon at pagrerepaso bago magkaroon ng kaukulang aksiyon ang gobyerno.
Sinabi ni Golez na tuloy-tuloy ang surveillance sa naturang mga lugar kung ano na ang nangyayari kaya paminsan-minsan ay mayroong mga dumaraan doong eroplano ng Philippine Air Force.
Wala aniyang itinakdang panahon sa pagberipika ng impormasyong ito kaya sa panahong ito wala pang masasabi ang gobyerno kung anong hakbang ang gagawin ng bansa kaugnay ng pinakahuling aktibidad ng China sa pinag-aagawang mga pulo sa South China Sea. (Ulat nina Lilia Tolentino at Joy Cantos)