^

Probinsiya

Kandidatong konsehal dinukot

-
OCAMPO, Camarines Sur – Isang Bgy. Chairman na kasalukuyang kumakandidatong konsehal ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Hanawan noong nakalipas na Biyernes Santo.

Ang biktima ay nakilalang si Miguel Butin,40,may-asawa, kandidatong konsehal sa ilalim ng partido ng People Power Coalition (PPC).

Lumalabas sa ulat ng pulisya na naiwang mag-isa ang biktima sa loob ng kanilang bahay dahil ang pamilya nito ay sumama sa prusisyon.

Bigla na lamang puwersahang pumasok ang mga di nakilalang kalalakihan na armado ng baril dakong alas 8:45 ng gabi.

Inilabas ng mga suspek ang biktima at isinakay sa isang motorsiklo na walang plaka at dinala sa hindi pa mabatid na direksyon.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung ang pagdukot sa biktima ay may kaugnayan sa darating na halalan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BGY

BIGLA

BIYERNES SANTO

CAMARINES SUR

ED CASULLA

HANAWAN

INILABAS

ISANG BGY

MIGUEL BUTIN

PEOPLE POWER COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with