^

Probinsiya

2 mayoralty candidate tinangkang todasin

-
Dalawang kandidato sa pagka-mayor ang tinangkang patayin sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagsabog sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan,ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza, naitala ang unang insidente dakong alas 11:45 ng umaga sa Bgy.West Migpulao, Dinas, Zamboanga del Sur.

Sa pagsisiyasat, katatapos lamang umano ni re-electionist Dinas Mayor Wilfredo Asoy kasama ang anak sa pangangampanya sa nasabing lugar ng bigla na lamang sumambulat ang itinanim na bomba na may limang metro ang layo sa kinatatayuan ng mga ito habang pasakay ng motorsiklo.

Ang pagsabog ay naganap sa mismong pinagtalumpatian ni Asoy na kung hindi napaaga ang pag-alis dahil sa importanteng lakad ay malamang na nasawi ito.

Bagamat walang naiulat na nasaktan ay nagkaroon ng matinding takot ang naramdaman ng mga sumusuporta kay Asoy.

Samantala ang ikalawang pangyayari ay naganap dakong alas 11:30 ng gabi nang paulanan ng grenade launchers ng mga hindi pa kilalang mga suspek ang tahanan ni mayoralty candidate Amer Asip na nasa Bgy.Maliwanag,Pantao Ragat,Lanao del Norte.

Napag-alaman sa pulisya na ang mga suspek ay pumosisyon umano sa Bgy. Lomindog bago pinaputok ang grenade launcher.

Wala ring naiulat na nasugatan sa insidente bagamat napinsala ang halamanan at garahe ni Asip.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

AMER ASIP

ASIP

ASOY

BAGAMAT

BGY

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DINAS MAYOR WILFREDO ASOY

JOY CANTOS

PANTAO RAGAT

WEST MIGPULAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with