^

Probinsiya

Pulis pinagtataga ng 7 Aeta

-
OLONGAPO CITY – Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang pulis makaraan itong pagtulung-tulungang pagtatagain ng pitong Aeta dahil sa isang matagal nang alitan, kamakalawa ng gabi sa Iram Resettlement area, Barangay New Cabalan sa lunsod na ito.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Danilo Empedrad, Olongapo City Police Office director, nakilala ang biktima na si SPO2 Joseph Felicitas, nakatalaga sa Iram Patrol Base sa naturang lugar.

Ang biktima ay nagtamo ng taga sa ulo, batok at mga kamay at kasalukuyang sumasailalim sa isang maselang operasyon sa James Gordon Memorial Hospital sa nabanggit na lunsod.

Naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa Sitio Payudpod, Iram Resettlement habang ang biktima ay naglalakad sa naturang lugar ng pagtatagain ng mga suspect na nakilalang sina Nerio Balos-Balos, Lerio Balos-Balos, Arturo Sahagun, Bong dela Junta, Michael Dabu, Randy Liwanag at Ronie Liwanag, pawang mga residente sa naturang lugar.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon na noong nakalipas na buwan ay kinursunada ng magkapatid na Balos-Balos ang anak ni Felicitas. Dahil dito pinagsabihan ng biktima ang mga suspect na ikinagalit umano ng mga ito na nauwi sa pananaga.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang magkapatid na Balos-Balos, samantalang ang lima pang mga kasamahan ng mga ito ay pinaghahanap. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ARTURO SAHAGUN

BALOS

BALOS-BALOS

BARANGAY NEW CABALAN

DANILO EMPEDRAD

IRAM PATROL BASE

IRAM RESETTLEMENT

JAMES GORDON MEMORIAL HOSPITAL

JEFF TOMBADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with