^

Probinsiya

Dinukot na barangay captain, pinalaya na ng NPA rebels

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Pinalaya na kamakalawa ng mga miyembro ng NPA ang isang barangay captain na pangunahing supporter ni incumbent-Mayor Rafaelito San Diego matapos mapaulat na dinukot ang una ng anim na kalalakihan habang nangangampanya sa Sitio Kayrupa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Base sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Domingo Reyes Jr., Regional Director ng PRO4 buhat sa Rizal-PPO, nakilala ang pinalayang kapitan na si Rizaldy Cruz, ng Barangay San Rafael at pangunahing supporter ni Mayor San Diego.

Kasalukuyan ngayong nasa pangangalaga ng pulisya si Cruz para sumailalim sa imbestigasyon at para malaman kung ano ang naging motibo ng mga rebelde sa pagdukot sa kanya.

Nabatid sa ulat na dakong alas-3 ng hapon kamakalawa nang dukutin ng mga rebelde si Cruz habang nangangampanya para sa kandidatura ni San Diego sa mga bahay-bahay sa Sitio Kayrupa, Barangay San Rafael.

Napag-alaman na dumalo muna si Cruz kasama ang ilan pang kababayan sa isang pistahan sa karatig bayan ng Sitio Kayrupa nang bigla na lamang dumating ang mga rebelde na pawang armado ng kalibre.45 baril.

Agad na dinisarmahan ng mga rebelde si Cruz at saka tuluyang dinala.

Kinabukasan naman ay agad na itong napalaya. (Ulat ni Ed Amoroso)

BARANGAY SAN RAFAEL

CHIEF SUPT

CRUZ

DOMINGO REYES JR.

ED AMOROSO

MAYOR RAFAELITO SAN DIEGO

MAYOR SAN DIEGO

REGIONAL DIRECTOR

RIZAL

RIZALDY CRUZ

SITIO KAYRUPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with