^

Probinsiya

2 pa dedo sa toxic waste

-
Dalawa na naman ang namatay at sampung iba pa ang nasa malubhang kalagayan na umano’y sanhi ng kontaminasyon sa toxic waste sa mga dating base militar ng Estados Unidos.

Ito ang iniulat ng People’s Task Force for Bases Clean-Up executive director Myrla Baldonado, kasabay nang pagbibigay papuri sa pagpupursige ni Bise-presidente at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr. na muling buhayin ang naturang isyu.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jerico Maniago, 12 at Manuel Pamintuan, 28 na nagtamo ng congenital at severe liver ailments na isinisisi sa toxic waste contaminations.

Gayundin, ipinasok naman sa ibat-ibang pagamutan sina Jericho Rabanes, 8 buwan; Regine Balagtas, 2; Andrew Dizon, 3; Edison Baluyot, 14; Roger Bungue, 31; Ciriaco Manzano, 45 at Avelina Manalo, 57. Hindi agad nakuha ang pangalan ng iba pang nasa kritikal na kalagayan.

Idinagdag pa ni Baldonado na may 12 iba pang bata ang dinala sa Lingap Clark program ng People’s Task Force para isailalim sa clinical at diagnostic test.

Tatlo sa mga ito ang nadiskubreng may leukemia na kinabibilangan nina Erika Bamba, 8; Jayson Alcanta, 6 at Jerrica Tolentino. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANDREW DIZON

AVELINA MANALO

BASES CLEAN-UP

CIRIACO MANZANO

EDISON BALUYOT

ERIKA BAMBA

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA JR.

JAYSON ALCANTA

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with