No. 3 most wanted person sa Southern Tagalog, nasakote
April 5, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence and Investigation Division at Cavite Provincial Police Office 4 ang tinaguriang number 3 most wanted person sa buong Southern Tagalog Region at sinasabing pangunahing suspect sa pagpaslang sa isang tauhan ng Phil. Navy sa isinagawang police operation sa pinagkutaan nito sa Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Chief Supt. Domingo Reyes Jr., regional director ng PRO4 ang naarestong wanted na si Pepito Montoyo, alyas Montoyo, ng Barangay Talon, Amadeo, Cavite.
Si Montoyo ay sinasabing pangunahing suspect sa pagpaslang kay Mauricio dela Rea, ng Phil. Navy ilang taon na ang nakakaraan.
Inaresto ang suspect sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Ma. Victoria Tesorero ng 2nd Municipal Trial Court ng Silang- Amadeo. Ito ay may patong sa ulo na P350,000.
Binanggit pa sa ulat na si Montoyo ay gumagamit ng ibat-ibang pangalan makaraang magtago matapos ang isinagawang krimen.
Natunton ito ng pulisya sa kanyang hideout na nagtangka pang magpakilalang isang Felipe Garcia, subalit positibo siyang itinuro ng isang police asset na siya si Montoyo. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest