Vice-mayor, AWOL na pulis sabit sa pagpatay sa ex-mayor
April 4, 2001 | 12:00am
DOÑA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan Isang Vice-mayor, isang AWOL na pulis at dalawang mga umano ay rebel returnees ang sinasabing responsable sa naganap na pamamaslang kay Ex-mayor Maximo "Eming" Esquivel ng bayang ito, noong nakaraang taon.
Ito ang buod ng ginawang salaysay ni Gng. Gliceria Esquivel na isinumite nito sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ), upang hilingin dito ang mabilisang aksyon para sa ikadarakip ng mga kriminal na pumaslang sa kanyang asawa na umano ay patuloy pang gumagala at nakapagdadala ng mga baril, gayong ang mga ito ay mayroon ng mga warrant subalit hindi naman nagawang arestuhin ng mga kinauukulang awtoridad.
Ayon sa salaysay ng naturang ginang, hindi niya maaaring makalimutan ang mga mukha nina PO1 Leo Piadoso, isang AWOL na pulis, Michael Guevarra at isang Ka Bestre na bumaril sa kanyang asawa habang ito ay papalabas ng kanilang bahay sa Barangay Bayabas, sa bayang ito noong nakalipas na Marso 15, 2000 dakong alas-6 ng umaga.
Naniniwala rin si Mrs. Esquivel na malaki ang kinalaman ng kanilang kasalukuyang Vice-mayor na si Rodolfo Luciano sa pagpatay sa kanyang asawa, dahil sa marami umano ang nagsasabi sa kanya na kasama itong nagplano sa ginawang pagpatay sa nasabing local official. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest