^

Probinsiya

2 Warden nasa 'hot water' sa pagpapatakas ng 2 preso

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Dalawang Warden ng Bureau of Jail Management and Penology sa lalawigan ng Nueva Ecija ang nasa ‘‘hot water’’ matapos na magpalabas ng isang resolusyon ang Regional Trial Court (RTC) para sa isang masusing imbestigasyon kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa illegal na pagpapalaya umano sa dalawang preso na pawang may kasong pagpatay.

Ang naturang resolusyon sa imbestigasyon at agarang pagsasampa ng mga kasong kriminal ay ipinalabas at ipinag-utos ni Cabanatuan Regional Trial Court Branch 27 Judge Feliciano Buenaventura kay Executive Judge Johnson Balutay laban kina Chief Insp. Apolonio Dela Cruz at Chief Insp. Antonio Murillo, Jail Warden at District Jail Warden ng San Jose City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang mga nabanggit ay isinangkot sa umano’y illegal na pagpapalaya sa mga presong sina Mark Esteban at Ismael Daniel noong nakaraang Linggo na kapwa walang mga piyansa hinggil sa kasong pagpatay sa isang binata na nakilalang si Jeffrey Jacinto, 27, na sinaksak ng mga ito noong nakalipas na Abril 16, 2000 sa kanilang tahanan sa Barangay Mayapyap Sur, Cabanatuan sa naturang lalawigan. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANTONIO MURILLO

APOLONIO DELA CRUZ

BARANGAY MAYAPYAP SUR

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CABANATUAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CHIEF INSP

DALAWANG WARDEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with