^

Probinsiya

Supervisor todas ng bagsakan ng mga bakal

-
SUBIC, ZAMBALES – Isang construction welder supervisor ang nasawi matapos na mabagsakan ng mga scaffolding frames na binubuhat ng isang crane habang ito ay nagmamantine sa isang dry-dock ng Subic Shipyard and Engineering Co., sa Subic, Zambales, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang idating sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) ang biktima na nakilalang si Manny Mendoza, 27, isang welder supervisor ng GCC Sub Contractor at residente ng Sitio Mapanao, Asinan Proper, Subic sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng madaling araw ay nagmamantina sa operasyon ng kanyang mga tauhan ang biktima sa isang cargo vessel sa Cargo No. 5 ng barkong MV Cemtex Leader.

Habang nasa kalagitnaan ng pagmamantine sa naturang operasyon ay isang crane ang nagsasagawa ng pagbubuhat ng mga scaffolding frames upang ilagay sa naturang barko nang biglang pumigtas ang bakal na kable ng crane at dire-diretsong bumagsak sa biktima na kaagad na ikinasawi nito. (Ulat ni Jeff Tombado)

ASINAN PROPER

CARGO NO

CEMTEX LEADER

GORDON MEMORIAL HOSPITAL

JAMES L

JEFF TOMBADO

MANNY MENDOZA

SITIO MAPANAO

SUB CONTRACTOR

SUBIC

SUBIC SHIPYARD AND ENGINEERING CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with