Bong humingi ng tawad sa grabeng trapik
April 2, 2001 | 12:00am
Mapagkumbabang humingi ng paumanhin si Cavite Gov. Ramon Bong" Revilla Jr., sa lahat ng mamamayan ng Cavite na naipit sa grabeng trapik sa Aguinaldo Hi-way noong nakalipas na Biyernes bunga ng naganap na proclamation rally ng buong puwersa ng kandidato ng Lakas-NUCD sa Cavite at 13 senatorial candidates ng People Power Coalition (PPC)
"Sorry po sa inyong lahat hindi po namin inaasahan na dudumugin ng mahigit sa 50,000 katao ang proclamation rally, ine-expect lang po namin ay 10,000 pero sumobra sa aming inaasahan kaya nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko" paliwanag ni Bong.
Nagsimula ang okasyon dakong alas 4:00 ng hapon na nagkaroon muna ng torch parade bago tumuloy sa Cavite Coliseum kung saan ginanap ang rally.
Sa naging talumpati naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pangunahing pandangal hiniling nito sa mga Caviteño na iboto ang buong tropa ni Bong na siguradong maninilbihan at tutupad sa mga katungkulan na inatang sa kanila.
"Mas maganda siguro kung kilalanin natin ng lubos si Gov. Revilla para mapatunayan ninyo na walang katotohanan ang mga lumabas na paninira sa pamilya Revilla lalo na kay Bong. Hindi po siya hunyango ginawa lang niya ang tama at nararapat noong Edsa Dos" pahayag ni GMA. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended