P10-M ari-arian naabo sa sunog
April 1, 2001 | 12:00am
Umaabot sa 10 milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala makaraang sumiklab ang malaking sunog na tumupok sa may 250 mga kabahayan bunga ng naiwang nakasinding kandila sa isang kubo sa Dayangdayang, Wall City of Jolo, Sulu kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Col. Romeo Tolentino, Brigade Commander ng 104th Infantry Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Jolo, may 250 na mga kabahayan na pag-aari ng mga Badjao, 4 na cofffee shop, 1 bargain center at 3 classroom ng Serantes Elementary School ang nilamon ng apoy sa naturang sunog.
Naganap ang naturang malawakang sunog sa may kaliwang bahagi ng Jolo Pier, malapit sa Serantes Public Market na matatagpuan sa may kahabaan ng coastal area ng Chinese Pier sa Jolo, Sulu.
Nabatid na sumiklab ang sunog bandang 7:30 ng gabi kamakalawa kung saan walang kuryente sa nasabing bayan bunga ng power failure sa naturang lugar.
Bunga nito, kadalasan ng ginagamit ng mga residente rito ang kandila na siyang pinagmulan ng sunog.
Sinabi ni Tolentino na nagsimulang kumalat ang apoy makaraang maiwan ng isang residente rito ang isang nakasinding kandila sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na marami ring stock na gasolina ang mga residente rito sa loob ng kanilang bahay na ginagamit ng mga ito sa pumpboat na panghanap-buhay kung kayat lalong nagpatindi sa paglaki ng apoy. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am