^

Probinsiya

Manero, susuko ng walang kondisyon

-
Iniurong na ni convicted priest killer Norberto Manero ang hinihinging kondisyon sa pamahalaan kapalit ng kanyang pagsuko.

Ayon kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ito ang ipinaalam sa kanya ni Presidential Assistant for Eastern Mindanao Jesus Dureza kaugnay ng pakikipag-ugnayan nito sa puganteng si Manero.

Nauna rito, napaulat na nagbigay ng apat na kondisyon si Manero kapalit ng pagsuko nito sa pamahalaan kabilang ang pagbabalik sa kanya ng pardon.

Kasabay nito ay tumanggi na rin ang pangulo na ibunyag sa media ang iba pang detalye ng ulat ni Dureza hinggil sa kung kailan ang gagawing pagsuko ni Manero.

Samantala, sinabi naman ni Julie Yee, live-in partner ni Manero na lubusan umanong ikinagalit ni Manero ang pagbansag sa kanya ng mga katagang ‘priest killer’.

Malaki rin umano ang tampo ni Manero sa pamahalaan sa ginawang pagbawi sa kanyang pardon, gayung handa naman umano itong magbagong-buhay.

Samantala, binawi ni Manero ang donasyon nitong 12 ektaryang lupain sa Kinilis, Polomolok, South Cotabato. Ang naturang lupain ay donasyon sana ni Manero para sa mga parole at probations prisoners.

Samantala, iminungkahi naman ni Senate Minority leader Renato Cayetano sa mga awtoridad na kasuhan ng coddling of criminal ang mga taong kumakalinga ngayon kay Manero, alyas Kumander Bucay.

Binanggit nito na maaaring kasuhan ng kriminal ang mga taong tumutulong at nagtatago kay Manero at ang kinakasama nito na si Jullie Yee.

Ipinagtataka ng senador ang kabiguan ng mga awtoridad na matunton ang kinaroroonan ni Manero, samantalang nakakausap ito ng ilang mga reporter ng telebisyon. (Ulat nina Ely Saludar, Rose Tamayo at Doris Franche)

DORIS FRANCHE

EASTERN MINDANAO JESUS DUREZA

ELY SALUDAR

JULIE YEE

JULLIE YEE

KUMANDER BUCAY

MANERO

NORBERTO MANERO

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with