Ito ang inihayag kahapon ni National Security Adviser Roilo Golez, na umano’y base na rin sa pangako ni National Democratic Front (NDF) chief negotiator Luis Jalandoni
Sinabi ni Golez na nagbigay na ng kautusan si Jalandoni sa mga miyembro ng Melito Glor Command ng NPA na nakabase sa Southern Luzon para pakawalan si Buan kung saan tinatalakay na ang proseso ng pagpapalaya sa naturang bihag.
Ipinaliwanag ni Golez na kaya nagkaroon ng pagkaantala sa pagpapalaya kay Buan ay dahilan sa inoobserbahan pa ang ilang mga patakaran na gagamitin sa mapayapang proseso sa pagpapalaya dito.
Idinagdag pa nito na maliban sa kinatawan ng NDF at ng pamahalaan ay kabilang rin ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa magpapartisipa sa inaasahang pagpapalaya kay Buan.
Magugunita na si Buan ay mahigit na sa dalawang taong bihag ng mga rebeldeng NPA sa kabundukan ng San Pedro, Laguna. (Ulat ni Joy Cantos)