Ayon kay Red Constantino, Greenpeace Energy campaigner na ang planta ng kuryente sa Mauban (Quezon Power Philippines), Pagbilao (Southern Energy ) at Calaca Power Plant sa Calaca, Batangas ay naglalabas ng heavy metals tulad ng mercury lead at copper.
Bunsod nito ay nananawagan ang grupo sa Department of Health at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng health at environment assessment studies upang matiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng mga apektadong residente.
Inihalintulad ni Constantino ang naganap na pagtagas ng mine tailings sa Marcopper Mining Corporation sa Boac, Marinduque may ilang taon na ang nakakalipas sa nagaganap ngayon sa nabanggit na mga coal power plant.
Ang polusyon na dala ng naturang planta sa Marinduque ay nararanasan pa rin ng ilang mga residente doon at ganito rin ang posibleng mangyari sa Mauban, Pagbilao at Calaca sa Batangas kung hindi magsasagawa ng safety precautionary measures ang mga kinauukulan. (Ulat ni Tony Sandoval)